Ni: Nitz Miralles

NGAYONG araw ang lipad ni Kris Bernal para sa bakasyon niya sa Korea. Isang linggo siyang mawawala sa ‘Pinas, kaya bago umalis ay hataw muna sa taping ng Impostora.

“Leaving PH for KOREA trip. We have to finish 84 scenes today to compensate for the days that I will be gone. No more going home. Didiretsuhin ko na ito sa airport ng madaling araw. Mahaba-habang araw para kay Nimfa at Rosette! The biggest challenge every taping: To stay awake for more than 24 hours!!! To act as if you don’t run out of energy. To be patient with everything. Since I’m the bida/kontrabida, all scenes are with me! Lord, kayo na po bahala sa akin, kaya natin ‘to!!! Babawi na lang ako sa Korea,” post ni Kris.

Payo ng fans niya, habang nasa Korea ay kumain siya ng marami, matulog at mag-shopping para makabawi man lang sa pagod at puyat niya sa taping ng Impostora. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matagal-tagal pa ang pagpupuyat at pagpapakapagod ni Kris dahil extended hanggang January 2018 ang hit afternoon soap.