Ni LITO T. MAÑAGO

PRODUKTO ng programang Walang Tulugan With The Master Showman si Ken Chan at itinuturing na pangalawang ama ang namayapang TV host at starbuilder na si German “Kuya Germs” Moreno. 

Ken chan copy

Tinatanaw ni Ken na malaking utang na loob kay Kuya Germs ang tinatamasa niyang kasikatan ngayon. Nahasa siya sa Walang Tulugan bilang TV host at performer. At ipinaglaban siya ni Kuya Germs sa GMA Network na mabigyan ng proyektong magpapamalas ng kakayahan niya bilang aktor. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sumikat at nakilala nang husto si Ken sa afternoon series na Destiny Rose na nagbigay din sa kanya ng kabi-kabilang acting awards. 

Higit pa siyang minahal ng fans nang ipareha siya kay Barbie Forteza sa Meant To Be.

Dahil maraming supporters ang KenBie, nagkainteres ang Regal Entertainment ng mag-inang Mother Lily at Roselle Montrverde. Biggest break ni Ken bilang leading man ang pelikulang This Time I’ll Be Sweeter na idinirihe ni Joel Lamangan. 

Kasabay halos ng 84th birthday ni Kuya Germs nitong October 4, inilabas ng Regal ang full trailer ng pelikula nina Ken at Barbie na ipalalabas sa November 8. 

Sa Instagram post ni Ken nitong Miyerkules, sinabi ng aktor na pa-birthday gift niya kay Kuya Germs ang pelikula nila ni Barbie. 

“Tatay, may movie na ako! hehe Pangarap lang natin ‘to, di ba? Sinabi mo sa akin noon balang araw magkakapelikula ako, ito na ‘yun, Tay. Miss na kita... miss na miss. Itong movie na ‘to ay birthday gift ko sa ‘yo, Tay. Sana nagustuhan mo. Ikaw nang bahala sa amin ni Barang @barbaraforteza, ah? Happy Birthday, Master! Mahal na mahal kita,” mahabang caption ni Ken sa photo nilang dalawa ni Kuya Germs sa post niya.