Arellano, nabuhayan sa kampanya sa UAAP Final Four.

NABIGYAN nang kaunting pag-asa ang sisinghap-singhap na kampanya ng Arellano University sa Final Four ng NCAA Season 93 nang dominahin ang College of St. Benilde, 95-65, kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA Season 93 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Center.

Nahila ng Chiefs, runner-up sa San Beda sa nakalipas na season, ang karta sa 6-9 para makasosyo ang Emilio Aguinaldo College Generals sa ikaanim na puwesto sa likod ng San Sebastian (7-7) at kasalukuyang No.4 Letran (8-7).

Sumabak ang Arellano kipkip ang layunin na mawalis ang nalalabing apat na laro at ang pagwawagi ang unang hakbang upang maisakatuparan ang hangarin na makausad sa Final Four at muling makaabot sa championship match.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Nagsalansan si Rence Alcoriza ng 11 puntos, kabilang ang krusyal na opensa sa third period kung saan nakuha ng Chiefs ang double digits na bentahe na hindi na binitiwan ng Arellano sa pagtatapos ng laro.

Nadagdagan naman ang kirot sa morale ng Blazers na sadsad sa 3-13 marka.

“Sabi ko nga, wala kaming ibang paraan kundi ma-sweep ang remaining games naming. Importante ito, dahil isang talo lang bye na ang kampanya namin,” pahayag ni Arellano coach Jerry Codinera.

“Actually, it’s just the same. If we were able to do this doon sa first round sana, in other games. Pero nevertheless, nakuha namin, and it gives us hope, coming to San Sebastian,” aniya.

Nanguna sa Arellano si Kent Salado sa naiskor na 16 puntos at 11 assists, habang kumubra sina Nichols ng 13 puntos at tumipa si Lervin Flores ng 12 puntos.

Hataw sa Blazers si Kendrix Belgica na may 18 puntos at walong rebounds.

Iskor:

Arellano (95) - Salado 16, Nicholls 13, Flores 12, Abanes 11, Alcoriza 11, Dela Cruz 11, Viloria 8, Cañete 4, Enriquez 4, Meca 3, Padilla 2, Concepcion 0, Ongolo Ongolo 0, Taywan 0, Filart 0.

St. Benilde (65) - Belgica 18, Domingo 14, Naboa 8, Dixon 5, Leutcheu 5, San Juan 4, Johnson 3, Sta. Maria 3, Young 3, Pili 2, Castor 0, Suarez 0, Velasco 0.