Ni: Nitz Miralles

Sabi ni Ai-Ai delas Alas sa presscon ng Bes and the Beshies, mapi-pressure siya kung hindi umiyak sa December 12 wedding nila si Gerald Sibayan. Tamang-tama na nasa presscon si Gerald, kasama siya ni Ai-Ai, pero tahimik lang kahit katabi si Lolit Solis. Lagi lang nakatingin sa kanyang celfone, pero sumasagot ‘pag tinatanong.

AI AI AT GERALD copy copy

Nang tanungin namin kung may wedding jitters siya, “normal lang” ang sagot. Nang hingan namin ng mas mahabang comment, “’yun lang” ang sabi.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Heto pa, hindi pa raw siya nagpi-fitting ng suit na kanyang isusuot sa araw ng kasal na gawa ni Edwin Tan. Ang gown ni Ai-Ai ay gawa ni Frederick Peralta, white pero ang motif ng wedding ay colorful gaya ng gusto ni Ai-Ai.

Emotional si Ai-Ai sa nalalapit na kasal dahil matutupad ang dream ng kanyang ina na makita siyang ikinakasal.

“Nang pumunta sa doctor ang nanay ko dahil namaga ang kamay, sabi niya talaga, ‘Gusto kong gumaling kasi gusto ko ‘yung anak ko mailakad ko sa altar’” naluluhang kuwento ni Ai-Ai sa presscon.

Ang Bes and the Beshie ang magiging last movie ni Ai-Ai bago sila ikasal ni Gerald. Ai-Ai delas Alas pa siya, pero sa mga susunod niyang pelikula, Mrs. Ai-Ai Sibayan na siya, kaya emotional talaga siya ‘pag napag-uusapan ang kasal.

Ginagampanan ni Ai-Ai sa pelikulang idinirihe ni Joel Lamangan ang role ni Charla, single mom at umaasang mabubuo ang kanyang pamilya. Ginagawa niya ang lahat ng raket para sa kanyang anak at pamilya.

Showing sa October 18 ang Bes and the Beshies na kasama sa cast sina Zsa Zsa Padilla, Beauty Gonzales at Carmi Martin. Kasama rin nila sina Emilio Garcia, Alan Paule, Nikko Natividad, Jon Lucas, Heaven Perelajo at si Sancho Vito delas Alas.