Ni: Nitz Miralles

GINANAP na ang bachelorette party ni Anne Curtis sa Los Angeles, California, may ipinost na IG story si Isabelle Daza na may nakasulat na, “One of the only things we can post.” 

Anne at mga kaibigan copy

May hashtag na #LostANNEgeles ang bachelorette party para sa nalalapit na kasal nina Anne at Erwan Heussaff.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nauna nang binigyan ng bachelor party ng kanyang mga kaibigan si Erwan at wala na sila sa Pilipinas ni Anne, mukha ngang malapit na ang kanilang kasal.

Sa nakita naming photos, bukod kay Isabelle, kasama ni Anne sa Los Angeles sina Liz Uy, ang kapatid na si Jasmine Curtis na sabi ni Anne ay maid of honor niya, at ilan pang kaibigan.

Kapag sumunod pang nag-alisan ang ibang friends nina Anne at Erwan, ibig sabihin, malapit na malapit na ang kanilang kasal.