Ni ADOR SALUTA

KAHIT masama ang imahe ngayon ni John Lloyd Cruz dahil sa kumalat na videos na sumasayaw-sayaw at kumakanta-kantang tila lasing at nag-dirty finger pa kuha nang magbakasyon sa Bantayan Island, Cebu kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna, hindi nabawasan ang paghanga sa kanya ni Joshua Garcia na sinasabing look-alike at kaboses ng drama actor.

JOSHUA AT JOHN LLOYD copy copy

Ayon kay Joshua, mataas ang respeto at paghanga niya kay John Lloyd, at hindi ito magbabago sa kabila ng kung anumang pinagdadaanan ngayon ng mas nakatatandang aktor.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Hindi (magbabago ang tingin ko ) sa kanya, John Lloyd is John Lloyd,” pahayag ni Joshua na umaani ng paghanga sa kanyang pagganap sa bagong seryeng The Good Son.

“Ganito kalupit ‘yung pagka-idol ko sa kanya,” depensa pa ng young actor. “Kahit ganu’n ‘yung pinagdaanan niya. Du’n mo masusukat kung gaano mo ka-idol ang isang tao, kahit ‘yung mga masasamang nangyayari sa kanya, respetado ko pa rin siya.

“’Yung respeto ko, nandu’n pa rin para sa kanya, sinasamba ko rin siya talaga. Magaling siya, eh,” may pagmamalaki pang sabi ni Joshua.

“Ano ba naman ang masama sa ginagawa niya? Actually, ang mali du’n ay ‘yung video, hindi dapat vinideo ‘yung ganu’n, kasi privacy niya ‘yun, dapat ‘di ganu’n.”

Aniya pa, “Ako, kay Kuya John Lloyd, normal lang ‘yun, wala namang masama sa ginagawa niya. Saka naniniwala ako sa kasabihan na ‘pag naging safe ka sa mga choices mo, ‘di ka maggu-grow as a person, as an actor.

“Kahit naman magganu’n siya, napapasaya niya pa rin ang mga tao, mga fans, wala namang mali sa ginawa niya,” pagtatapos ni Joshua.