Ni: Nitz Miralles

IPINAKILALA sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos na mga bida ng bagong primetime show ng GMA-7 na may working title na Triple X. Sa direction ni Maryo J. delos Reyes, mala-Sex and the City raw ang kuwento ng Triple X, kaya marami na ang nag-aabang.

Rhian Ramos, Lovi Poe, Max Collins 2 copy

Hindi lang namin alam kung sino kina Lovi, Max at Rhian ang gaganap sa karakter nina Darcy, Alex at Zoe na iisa ang lalaking minahal, pero pare-pareho na nilang ex. Ang suwerte ng aktor na mapipili sa role na na-involved sa tatlong aktres. Ang sabi ng source namin sa GMA-7, malapit nang ipakilala.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Hindi lang magpapaseksihan sina Lovi, Max at Rhian sa Triple X, magpapagalingan din sila sa pagde-deliver ng punchline at hugot lines. Paistaran din ang tatlo sa fashion at ‘di kami magtataka kung isa ito sa pinakamahal na teleserye ng network.

Sa November na yata ang airing ng Triple X dahil ito ang papalit sa nakakakilig na My Korean Jagiya nina Heart Evangelista at Alexander Lee.