Ni: TMZ

BINANATAN ni Marc Anthony si President Donald Trump, at nakiusap sa commander-in-chief na ibaling ang atensiyon mula sa mga protesta ng NFL player tungo sa krisis na kinahaharap ng Puerto Rico dahil sa pananalasa ng Hurricane Maria.

Galit si Marc at direktang tinawag si Trump, at sinabing, “Mr. President shut the f**k up about NFL. Do something about our people in need in #PuertoRico. We are American citizens too.”

Ang galit ng singer ay bunsod ng humanitarian crisis na dulot ng Hurricane Maria. Nananatiling walang kuryente sa lugar, gumuguho ang malaking dam, walang suplay ng tubig sa mga ospital at napakahina ng signal kaya hindi maayos ang komunikasyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinasamahan ni Marc ang kanyang ex na si Jennifer Lopez para madalhan ng tulong ang isla – ngunit malinaw ang kanyang sigaw kay POTUS na umaksiyon at makipagtulungan din.