Ni NITZ MIRALLES

HINDI matapus-tapos ang John Lloyd Cruz at Ellen Adarna serye and in fairness, pa-sweet nang pa-sweet ang posts ni Lloydie ng picture nilang dalawa. Ang latest ay itong kuha sa bed sa bahay ni Ellen habang magkayakap sila.

ELLEN AT JOHN LLOYD copy

Ang sweet din ng caption ni John Lloyd sa picture nila na, “Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sumagot si Ellen sa post ng emoji ng baby at heart na paborito niyang gamitin.

Napapansin namin sa mga comment na nababawasan ang mga nega at hindi pabor sa kanila. Dumarami ang kinikilig at nakikita na nila ang pagiging sweet ni John Lloyd.

May followers naman sila na gustong malaman kung ano ang particular na ginawa ni Ellen para maging open na ang very private na si John Lloyd lalo na pagdating sa pag-ibig at pagpapakita ng pagmamahal.