BALI (AFP) – Mahigit 57,000 katao ang lumikas sa pag-aalburoto ng bulkan sa tourist island ng Bali, sinabi ng mga opisyal kahapon.

Ang Mount Agung, may 75 kilometro ang layo mula sa Indonesian tourist hub ng Kuta, ay nag-aalburoto simula pa noong Agosto, at nagbabantang sumabog sa unang pagkakataon simula 1963.

“The chance that an eruption will happen is quite big. But it cannot be predicted when it will happen,” sinabi ng tagapagsalita ng disaster mitigation agency na si Sutopo Purwo Nugroho.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Aniya, ang pagdalas ng mga pagyanig mula sa bulkan ay nagpapakita na patuloy sa paggalaw ang magma paangat sa bunganga ng bulkan.

Sinabi ng Indonesian Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation na umabot sa 564 na pagyanig ang naitala nila nitong Lunes.

Idineklara ng mga opisyal ang pinakamataas na alert level nitong Biyernes at pinayuhan ang mga tao na panatilihin ang siyam na kilometrong distansiya mula sa crater.

Mahigit 1,000 katao ang namatay nang huling sumabog ang Mount Agung noong 1963.