Ni: Mary Ann Santiago

Itinakda ng Department of Transportation (DOTr) sa Setyembre 29 ang groundbreaking ceremony para sa itatayong common station sa Quezon City, na mag-uugnay sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at MRT-7.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, pumirma na siya ng memorandum of agreement (MOA) kasama sina Public Works Secretary Mark Villar at LRT Authority (LRTA) Administrator Reynaldo Berroya, LRT-1 operator Light Rail Manila Corp. ng San Miguel Corporation at North Triangle Depot Commercial Corp. para sa proyekto.

Ito’y matapos silang magkasundo sa lokasyon ng proyekto na nagkakahalaga ng P2.8 bilyon at may lawak na 13,700 square meters.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Itatayo ang common station sa pagitan ng SM North EDSA at Trinoma mall sa Quezon City.