Ni: Yahoo Celebrity

HINDI na celebrity newsman si Billy Bush, pero patuloy siyang nagiging laman ng headlines. Ang latest ay ang paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Sydney Davis, pagkaraan ng 20 taon pagsasama bilang mag-asawa.

Billy at Sydney copy

Unang iniulat ng Page Six ang balita, na kinumpirma naman ng abogado ni Bush na siMarshall Grossman, at sinabing, “I can confirm they are now separated, and on a short-term break.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hindi nagdetalye ang abogado kung kailan matatapos ang “short-term break”. 

Ayon sa gossip site ng New York Post, tumanggi si Grossman na pag-usapan ang mga dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Ngunit sinabi niya na hindi ito dahil sa pagtataksil.

Naghiwalay sila pagkaraan ng halos isang taon simula nang lumabas ang isang tape ni Bush noong 2005 na nakikipag-usap kay Donald Trump, bago ito isinapubliko ng The Apprenticestar, noong Oktubre 7, 2016. Napanood na ibinigay na halimbawa ni Bush kay Trump habang binabanggit niya ang co-star ni Bush sa Access Hollywood na si Nancy O’Dell pati na rin ang soap opera star na si Arianne Zucker, na naging sanhi upang matanggal sa Today show.

Kalaunan ay nagsalita rin si Bush, na miyembro ng sikat na political family, tungkol sa kanyang anak, na si Mary, na umiyak nang unang marinig ang usapang namagitan sa kanyang ama at kay Trump, na kalaunan ay tinawag ng huli bilang “locker room banter.” 

Gayunman, sa panayam ng The Hollywood Reporter noong Mayo, nang una siyang magsalita ukol sa scandal, sinabi niyang nakasuporta sa kanya ang kanyang asawa sa pagharap sa pagsubok.

“My wife, Sydney, knows the environment and the atmosphere I was in at the time, and she knows very well the person she married,” aniya. “She has been very supportive from the very beginning.”

Nagpakasal sina Bush at Davis noong Abril 1998 at may tatlong anak na babae.