Ni: Nitz Miralles

MAGKASAMA ang ex-lovers na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa Super Ma’am at ginagampanan ang mga karakter nina Ace at Dalikmata respectively at parehong tamawo.

Kristoffer Martin (2) copy copy

Hindi magpapa-cute ang dalawa sa kanya-kanyang roles at dahil parehong magaling, hindi madi-disappoint ang viewers at ang kanilang fans sa mapapanood sa kanila.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Masaya si Kristoffer na napasama siya sa cast ng Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Matatandaan na si Kristoffer ang gumanap na young Johnny (Dingdong Dantes) sa adaptation ng GMA-7 sa Korean drama na Endless Love. Si Joyce naman ang gumanap na young Shirley (Nadine Samonte).

Walang eksena sa Endless Love na magkakasama sina Marian, Joyce at Kristoffer. Dito sa Super Ma’am, may mga eksena na sila, kaya excited sina Kristoffer at Joyce.

Laging tinatanong si Kristoffer how is it working with an ex at consistent siya sa kanyang sagot na it is always a pleasure to work with Joyce.

“Kami kasi ni Joyce, hindi lang mag-ex, nauna kaming naging magkaibigan at enough foundation ‘yun para hindi kami masira. After the break-up, nagkailangan sandali, pero mabilis ding bumalik ang friendship and we are happy na best of friends uli kami kasama ang grupo ng Tweenhearts,” pahayag ni Kristoffer.

Matagal nang may ibang girlfriend si Kristoffer, naging classmate niya sa San Beda College. Wala kaming balita sa love life ni Joyce, tatanungin namin siya sa susunod na interview namin tungkol dito.