IBINAHAGI ng bilyonaryong si Richard Branson sa Twitter at sa isang statement sa Virgin Group website ang mga litrato ng mga natumbang palm trees at mga gumuhong gusali sa Necker, ang katabing lugar ng Virgin Island Gorda, at Puerto Rico. 

Bagamat idinetalye ang pinsala sa kanyang mga ari-arian, nagpaalaala si Branson na ang mga ito ay maliit lamang na halimbawa ng malawakang pinsala dulot ng Hurricane Irma nang dumaan sa Caribbean.

Richard Branson
Richard Branson
Binigyang-diin niya na ang “Irma story” ay hindi tungkol sa kanyan o sa kanyang isla. Sa halip, dapat umanong ituon ng kanyang followers sa “1000s of people who’ve lost homes & livelihoods.”

Nagdagdag na ng donasyon ang The Virgin website upang tumulong sa pagkalap ng pondo para sa mga biktima ni Irma.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Nagbigay din ng opinyon si Branson hinggil sa kaugnayan ng Hurricane Irma — ang pangalawang pinakamalakas na hurricane na tumama sa Atlantic — at global warming. 

“Man-made climate change is contributing to increasingly strong hurricanes causing unprecedented damage,” saad ni Branson sa The Virgin website. “The whole world should be scrambling to get on top of the climate change issue before it is too late – for this generation, let alone the generations to come.”

Hindi ito ang unang pananawagan ni Branson ng mabilisang aksiyon ukol sa climate change. Tumutol siya nang magdesisyon si President Donald Trump na umalis ang U.S. mula sa Paris Climate Accord, at nagpahayag na siya at ang ibang mga negosyante at pribadong sektor ay magpapatuloy sa paglaban sa global warming.

Bukod sa pakikipaglaban sa climate change, muling binigyang-diin ni Branson ang maayos na pag-aabot ng tulong sa mga biktima ng Hurricane Irma.

Pinaalalahanan din ni Branson ang kanyang followers na maaaring magkaroon ng mas malaking pinsala sa Virgin Islands dahil sa paparating na Hurricane Jose.

Itinuturing ni Branson ang hurricanes bilang “one of the wonders of the natural world.” Ngunit ang pinakamahalaga ay ipagpatuloy ang pakikipagtulungan at pagkilos para sa disaster recovery plan. - Mashable