Ni REGGEE BONOAN

PINADALHAN kami ng kopya ng usapan sa social media ng ilang grupo ng supporters ng kilalang love team na habang binubuo ang pakana para i-nega si Angel Locsin sa pagbabalik sa La Luna Sangre.

KATHNIEL AT ANGEL LANG_please crop out richard copy

Hindi na namin babanggitin kung anong love team ang gustong iangat ng nasabing grupo pero ang takbo ng usapan ay para asarin ang supporters nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagbabalik ni Angel.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Sa ganoong paraan, inasahan nilang aawayin ng KathNiel fans si Angel at para magkagulu-gulo hanggang sa madamay sina Daniel at Kathryn at malaman na rin ng management.

Planong pabagsakin ng nasabing grupo ng kilalang love team ang La Luna Sangre para raw ang soap drama ng idolo nila ang ipalit.

Nagtanung-tanong kami sa ABS-CBN management kung may nakahanda nang teleserye ang kilalang love team at ang sagot sa amin ay, “Ha? Wala naman, wala kaming nababalitaang may ginagawa sila.”

Natunugan siguro ng supporters ng kilalang love team na magtatagal ang La Luna Sangre lalo na’t paganda nang paganda ang kuwento at dumarami ang characters na mala-FPJ’s Ang Probinsyano kaya posibleng abutin din ng dalawang taon sa ere.

Kaya saan nga naman isisingit ang soap drama ng kilalang love team, e, bago pa man sila ay may ibang mga programa nang nakalinya para ipalabas.

Ito namang supporters ng kilalang love team ayaw magpaka-sport, bakit kailangan pa nilang manira ng ibang love team at characters na wala namang kinalaman sa isyu nila?

Napaghahalata tuloy na hindi na sikat ang iniidolo nilang love team kaya sila nagkakaganyan. Sa totoo lang, gusto ko rin naman ang sinusuportahan nila, pero sana ay maging fair and square sila dahil nu’ng panahon na sila ang namamayagpag sa ere ay tahimik lang ang KathNiel fans at never silang ginulo o inaway sa social media.

Makinood na lang kasi ng La Luna Sangre para malaman nila kung bakit marami ang loyalistang supporters nito at kung bakit sila nagkakaisang lahat para kina Daniel at Kathryn.