Ni JOJO RIÑOZA

BIRDLAND, ito ang turing ng mag-asawang Michael Parayno at Joanna Ledesma sa kanilang lugar sa baybayin West Philippine Sea sa Bolinao, dulong ng bayan ng Pangasinan sa kanlurang bahagi ng lalawigan.

BIRDLAND

Magkaagapay na nilikha ni Michael, madalas tawaging ‘birdman’ at ni Joanna ang kanilang dalawang ektaryang lupain bilang munting paraiso sa Barangay Arnedo at madalas itong pamugaran ng iba’t ibang uri ng ibon dahil sa ‘birdhouses’ na kanilang inilagay sa buong paligid.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

 

Dito nila hinango ang pangalang Birdland Beach Club.

 

“Nakakaaliw ang maraming ibon sumisiyap habang papasikat pa lamang ang araw. Samahan mo pa ng malamig na simoy na hangin, siguradong tanggal ang stress mo,” kuwento ng mag-asawang bakasyunista mula sa Maynila.

 

“’Di tulad ng ibang resort na may iba’t ibang amenities, tanging ang natural na ganda ng kalikasan ang iyong mararanasan dito,” sabi ni Michael. “Hindi naman namin habol ang malaking kita, basta lang natutustusan ang aming pangangailangan at pasuweldo sa mga tauhan namin.”

 

“Ito’y para mapanatili din namin ang pagkanatural ng aming kapaligiran,” dagdag ni Joanna.

 

Nature tripping ang pangunahing atraksiyon ng Birdland. Napakalapit nito sa santuwaryo ng mga isda kaya ideyal na mag-snorkeling.

 

Maaari rin namang pasyalan ng mga bisita ang enchanted cave, Bolinao Falls at iba’t iba pang mga lugar sa Bolinao gamit ang traysikel na gawa sa kawayan ang sidecar.

 

“Hindi na namin kailangan magpatayo ng swimming pool dahil napakaganda ng dagat dito,” sabi ni Joanna. “Maaaring hindi magustuhan ng iba ang aming lugar, pero ang lugar na ito ay para sa mga taong puno ng pagmamahal sa sarili at sa kalikasan.

 

“Gusto namin maging mga nature lover ang aming mga bisita dito. Gusto namin na sa kanilang paglisan mas madadagdagan pa ang pagmamahal nila sa kalikasan,” ani Michael.

“Ito’y aming tahanan at nais lamang namin ibahagi ang paraisong ito sa mga taong nagmamahalan at nagmamahal sa kalikasan,” dagdag pa niya.

[gallery ids="264601,264600,264599,264598,264593,264594,264595,264596,264597"]