Ni: Nitz Miralles

GRABE ang effort ng buong team ng Impostora para mapaganda ang mga eksena ng hit afternoon soap. Kuwento ni Rafael Rosell, nagsimula siya at ang mga kasama niya sa eksena na mag-taping ng 12 AM, car chase ang kinunan kaya madaling-araw para walang masyadong tao.

RAFAEL copy copy

Hindi na umuwi si Rafael dahil marami pa siyang eksenang kinunan that day. Nang makausap namin bandang 2 PM, hindi namin siya kinakitaan ng puyat at pagod kundi masaya pang nakipagtsikahan.

Makeup artist sa CDO, nasawi nang atakihin sa puso habang rumarampa sa stage

Masaya si Rafael na extended ang Impostora hanggang January 2018 at kung patuloy na mataas ang ratings, baka ma-extend pa uli.

“Masaya ako sa balitang extension hindi lang para sa amin ni Kris, para sa lahat ito. Masaya ang Christmas at New Year nating lahat. Good news sa amin ang extension because I love working, I love acting. I am more than thankful,” pahayag ni Rafael.

Nararamdaman ni Rafael na maraming nanonood at sumusuporta sa Impostora lalo na kung lumalabas siya sa public places.

“For the past months, ‘pag nagmu-mall ako, napapansin ko na lang na marami ang nagpapa-picture at lumalapit sa akin.

Marami rin ang tumatawag sa akin ng Homer (name ng karakter niya sa soap). Nagugulat ako dahil hindi ganu’n karami ang tao na lumalapit sa akin. So, I guess, the show is really doing good. Salamat sa fans at sa viewers at patuloy pa nila kaming suportahan,” pagtatapos ni Rafael.