BUMALIK sa airwaves ang British pop singer na si George Michael, pumanaw noong nakaraang taon, nitong Huwebes sa paglabas ng remix ng kanyang awiting Fantasy, at hati ang fans sa desisyon na buhayin ang kanyang boses.

Ang remix ng 1987 solo track ay ipinarinig sa BBC radio ng Britain at inilabas online mahigit walong buwan matapos pumanaw si Michael, isang Grammy award winner, noong Christmas Day 2016, sa edad na 53.

George Michael
George Michael
“What a brilliant song, great hearing him sing again, what a great gift sent from him, always in our hearts and soul,” paskil ng Twitter user na si Tracie McMath sa social media site.

Pero hindi natuwa ang ilan sa remix na prinodyus ni Nile Rodgers, kilalang utak sa likod ng 1970s funk band na Chic at kaibigan ni Michael.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

“The ‘new’ George Michael song still sounds unfinished,” sabi ni Debbie M sa Twitter. “I love Nile, but he really should have just left it alone.”

Sinabi ni Rodgers na magkahalo ang kanyang nararamdaman sa awitin, na nagpapasaya at nagpapalungkot din sa kanya.

“This process was extremely emotional for me,” anang Rodgers. “No one’s heart was dragged through emotional ambiguity more than mine.”

Nagsimula ang karera ni Michael kasama ang bandang Wham! bago siya naglunsad ng solo career na lumikha ng mga awiting gaya ng Faith, Father Figure at Careless Whisper. - REUTERS