Ni LITO T. MAÑAGO

NATUPAD na rin ang pangarap ni Winwyn Marquez (real name: Teresita Ssen Laxamana Marquez), 25, na maging beauty queen sa katatapos na Miss World Philippines (MWP) pageant sa SM Mall of Asia Arena nitong nakaraang linggo, September 3.

Wynwyn copy copy

Kinoronahan ang panganay na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno bilang kauna-unahang winner ng Reina Hispanoamericana-Filipinas 2017, isa sa tatlong bagong titles sa katatapos na MWP 2017 at siya rin ang kakatawan ng ‘Pinas sa international pageant sa Bolivia sa Nobyembre.

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024

Sa interview namin kay Winwyn last May 15, undecided pa siya to join Miss World Philippines dahil sa conflict ng schedule sa taping ng Mulawin vs Ravena.

Pero nagawan niya ito ng paraan kaya isa siya sa 35 candidates na rumampa sa entablado ng MWP.

“I’m already 25 and if I won’t give it a try, baka mag-regret lang ako,” natatandaan naming sabi ni Winwyn.

Malaking bahagi rin sa pagsali niya sa pageant ang kanyang boyfriend na si Mark Herras na all-out ang ibinigay na suporta sa kanya.

Sa kanyang official Instagram account, the newly crowned Reina Hispanoamerican-Filipinas posted a heartfelt thank you message para sa kanyang mga tagahanga at supporters.

“I can’t believe that I finally have a crown on my head and that I’ll be representing the PHILIPPINES in an international pageant. The first ever Filipina to compete in Reina Hispanoamericana,” wika niya.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta and naniwala sa akin! Hindi po madali ang sasalihan ko pero alam ko kakayanin ko po dahil sa inyo... Laban Pilipinas,” at tinapos ito ni Winwyn ng isang hashtag #ForTheWyn.

Bago ang panalo ng Kapuso actress sa MWP, naging official candidate rin siya sa Bb. Pilipinas 2015 pero hindi siya pinalad na mag-uwi ng korona. Ka-batch niya nu’ng taon na ‘yon si Pia Wurtzbach na nanalo ng Bb. Pilipinas-Universe and eventually won the coveted Miss Universe crown in Las Vegas.

Congratulations and good luck, Winwyn!