Ni NITZ MIRALLES
NAG-VIRAL ang picture ni Dingdong Dantes habang nasa simbahan sila nina Marian Rivera at Zia para sa wedding nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Karga ni Dingdong si Zia na may kinakawayang kung sino, nasa tabi nila si Marian at nakasukbit sa balikat ni Dingdong ang baby bag na naglalaman siyempre ng mga gamit ni Zia.
Iniintriga ang walang kamalay-malay na baby bag ng bashers nina Dingdong at Marian dahil cheap daw. Hindi pumayag ang fans nina Dingdong at Marian na basta na lang iba-bash ang mag-asawa dahil lang sa baby bag.
Nag-research sila at nadiskubreng Fendi ang brand ng baby bag at Baby Changing Bag ang tawag at 710 pounds ang worth.
Bahala na kayong mag-compute sa Philippine peso, mahina kami sa math.
More than the worth of the baby bag, hindi nakita ng bashers ang mas maganda sa picture na kahit saan sina Dingdong at Marian, lagi nilang priority si Zia. Ang daming nakakita sa mga bisita sa wedding ng pagiging hands on parents ng dalawa sa kanilang unica hija. Seryoso si Dingdong sa pagiging ama at seryoso si Marian sa pagiging ina kay Zia.
Nauna nang nag-viral ang picture ni Dingdong habang pinaplantsa ang blouse ni Marian na suot nito sa kanilang pamamasyal.
Samantala, balik-taping na si Dingdong ng Alyas Robin Hood 2 at ganu’n din si Marian sa kanyang Super Ma’am. Nauna ang airing ng action series ni Dingdong, ang teleserye ni Marian ay sa September 18 pa ang pilot. Sa presscon next week, malalaman ang iba pang detalye sa teleserye mula sa direksiyon ni LA Madridejos.