NAGBAGA ang mga kamay ng asintadong si Tristan Bradley sa naiskor na 32 puntos, tampok ang 10 three-pointer para sandigan ang Cocolife sa dominanteng 127-112 panalo kontra Jekasa, Indonesia at angkinin ang kampeonato sa Impact Athletic Basketball League kamakailan sa FEU-NRMF Gym , Fairview sa Quezon City.

coco copy

Ang mga humahaginit na tres ni Bradley sa unang quarter pa lang katuwang ang mainit na opensa ng mga beteranong sina ex-PBA Bonbon Custodio,Larry Rodriguez at commercial standouts na sina Pol Santiago, Mark Lagrimas, Eric Dela Cuesta,Nino Marquez ,playing coach Ray Alao at malagkit na depensa ng tigreng si Mark Andaya ang nagpalawig sa 62-44 bentahe sa halftime.

Suportado ang koponan ng Macway Travel at Hobe Bihon.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

“Matapos ang panalo namin sa Chargers sa Kings of the Court League, akala ko sunog na ang tropa pero mas lalo pang nag-init kahit foreign team ang nakasabayan sa finals. Lahat ng players natin ay nag-deliver para sa tagumpay ng team,” pahayag ni Cocolife Sports Director Joseph ‘Otep’ Ronquillo.

Kasamang nagdiwang ng koponan sina Cocolife team president Elmo Nobleza,vice president Ferdinand Santos at team manager Edel Gregorio.

Ito ang ikalawang sunod na kampeonato ng Cocolife sa commercial league matapos ang matagumpay na kampanya sa Kings of the Court Basketball League nang maungusan ng Cocolife, mula sa buzzer-beating jumper ni Jeff Sanders, ang Chargers Bar,92-89.