Ni: Lyka Manalo

CALATAGAN, Batangas - Iniimbestigahan na ng pulisya ang pagpatay sa isang lider ng mga magsasaka na pinagbabaril sa harap ng kanyang asawa sa Calatagan, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Engracio Delos Reyes, 61, vice president ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda at Magsasaka sa Barangay Baha, Calatagan.

Dakong 9:30 ng gabi nitong Sabado at nakikipag-usap sa asawang si Ana Corita Delos Reyes ang biktima sa kusina ng kanilang bahay nang biglang pagbabarilin ng suspek.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ayon kay Calatagan Police chief, Chief Insp. Rodel Rosario, dating kumokontra sa Asturias Corporation ang biktima subalit inirespeto ang desisyon ng Supreme Court na pag-aari ng kumpanya ang kanilang tinitirikang lupa.

Bumuo naman ng Oplan Kalasag para matugis ang mga tumakas na suspek.