Ni: Jun Fabon

Nalambat ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na tinaguriang “boy asido” na nagsaboy kahapon ng asido sa isang babae sa Quezon City.

Iniharap sa media ni Police Supt. Robert Sales ang suspek na kinilala sa alyas na Budak, sinasabing may may problema sa pag-iisip, tubong Samar at walang permanenteng tirahan.

Ayon sa saksing si Rizza Padao, 43, nakita niyang sinabuyan ni Budak ng asido ang isang babae na naglalakad sa footbridge sa A. Bonifacio Avenue, kanto ng Sgt. Rivera, Barangay Manresa, Quezon City.

Eleksyon

Pastor Apollo Quiboloy, nananawagan ng manual recount

Naglalakad umano ang biktima, kasama ang ina nito, sa naturang footbridge nang sabuyan sila ng asido ni Budak.

Agad isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital.