Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(AUF gym-Pampanga)

5:00 n.h. -- San Miguel Beer vs Alaska

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

MAKABALIK sa winning track at makasalo sa third spot ang target ng San Miguel Beer sa pakikipagbakbakan sa patuloy na inaalat pa ring Alaska sa isa na namang road game ng 2017 PBA Governors Cup na gaganapin ngayong hapon sa Angeles University Foundation gym sa Pampanga.

PBA copy copy

Magtutuos ang Beermen at ang Aces na lalaro sa ikalawang sunod nitong road game kasunod ng laban nila kontra Barangay Ginebra noong nakalipas na Sabado sa Lapu -Lapu City sa Cebu ganap na 5:00 ng hapon.

Aminado ang Beermen na hirap ngayon ang koponan sa mga nangyayaring pagbabago sa kanilang roster partikular ang pagkawala ng slotman na si league reigning MVP June Mar Fajardo.

“The past two conferences, we had June Mar. This time around, we don’t,” pahayag ni Beermen shooter Marcio Lassiter matapos malasap ang ikalawang kabiguan sa unang limang laban sa kamay ng NLEX sa nakaraan nilang laban sa iskor na 100-103., . “So it’s an adjustment. We got enough talent to beat teams and every one from the bench can compete with anybody."

“It’s just different for us right now," dagdag niya.

“We’re not used to playing this type of lineup all the time, but we know we can compete at a high level so we just got to continue playing San Miguel ball and make sure that whoever’s out there, we’ll come out and play hard." ayon pa kay Lassiter.

Sa panig naman ng Aces, patuloy silang magkukumahog na makaahon sa kinahulugang losing skid na umabot na sa anim na laro matapos ang pinakahuli sa kamay ng Kings sa iskor na 80-94.