Ni REGGEE BONOAN

KINAUSAP ng mga katoto sina Bea Alonzo at Iza Calzado pagkatapos ng open forum ng finale presscon ng A Love To Last.

Unang tinanong si Bea Alonzo kung kailan sila aamin ni Gerald Anderson sa tunay nilang relasyon.

Ang sabi kasi ng aktor nang makausap naman namin sa presscon ng iniendorso nitong CosmoCee Vitamin C, sa babae dapat manggagaling ang kung anumang namamagitan sa kanila.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Bea copy

“Ano ba ang kailangang i-admit?” sabi ni Bea pagkaraang mapaisip saglit. “Sa totoo lang, we are enjoying each other’s company right now and we’re very busy, he’s very busy du’n sa mga ginagawa niya. Ako rin, we tape almost every day.

“So, parang gusto rin namin i-honor yung individuality ng isa’t isa. Hindi ko alam kung ano’ng dapat sabihin, because people might think na echosera ako, ‘no. But what should I say? There’s nothing to say. I wish I could say something, but there’s really nothing to say.”

Singit ni Iza Calzado na ikinangiti ni Bea, “Ako na ang magsasabi na kahit kami rin ang kausap niya ay ganyan ang sagot niya.”

Ipinaliwanag ni Bea na mas okay sa kanila ni Gerald na hindi pinag-uusapan o sinasabi sa iba ang anumang namamagitan sa kanila.

“Yes, I think, that’s the beauty of it, parang nag-i-enjoy lang kami sa buhay, we’re living in the moment.”

Pero inamin ni Bea na, “He’s very special. He inspires me every day. He inspires me to run. Naintindihan ko na ‘yung beauty ng exercise, dati kasi parang sumasama-sama lang ako, ngayon parang na-realize ko na may sense of achievement na kung dati 3k lang o 5k lang ‘tapos biglang nag-10k na. So, on my own, tumatakbo na ako, so ang ganda ng naibahagi niya sa akin.”

Ano ang puwedeng ipayo ni Iza kina Bea at Gerald para maging love to last ang dalawa?

“Alam naman din na ‘yun (ni Bea), hindi naman ako expert sa lalaki,” nagbibiro pa ring sagot ni Iza.

Ano ang gagawin ni Bea sa lalaki?

“Ano’ng gawin sa lalaki?” nagulat na balik-tanong ni Bea bago nakasagot si Iza, “Mamaya ko ‘yun ibabahagi sa kanya, na nakahuhumaling,” sabay tawa.

“It’s hard, ha,” dugtong ni Iza, “because every relationship is different, so, I don’t think I would be in a position to advise her. I guess like in any relationship, enjoy every moment. Don’t over think things. Sometimes you become too analytical about every single detail and the situation, we forget what truly matters which is the present moment.”

“I’m already old, 29 years old and very busy and a lot of things I still want to do, I don’t take relationship slightly at this point,” ayon naman kay Bea.

At dahil patapos na ang A Love to Last, nag-emote si Bea.

“Malulungkot ako kapag natapos na! Maraming friendship ang nabuo dahil sa show na ito.”

“Hayaan mo dahil marami pa,” sabi ni Iza, “dahil ang dream natin, magsama sa pelikula.”

‘Smart actress’ si Bea Alonzo, papuri ni Iza.

“Natutuwa talaga ako sa sinabi niya,” nahihiyang sabi ni Bea, “kasi nagko-collaborate kami sa isang eksena na hindi ka lagi nakakakilala ng mga artista na ganito ka-passionate sa trabaho and I’m very lucky na nakasama ko si Iza and she knows what she’s doing. She’s passionate with her craft, she knows kung hanggang saan lang ‘yung character niya or kung saan siya totodo.”

At para kay Bea, brilliant actress naman si Iza.

“Alam naman nating lahat, paulit-ulit kong sinasabi na she’s an intelligent actress, she knows kung ano ‘yung pinipili niyang proyekto at napanood ko siya dati sa Milan (kasama sina Piolo Pascual at Claudine Barretto) at hindi kami magkasama pa noon sa network, I’m always a fan of Iza.”

“I’m a fan,” agaw ni Iza. “I’ve always been impressed by the substance wherever I would read her article sa mga magazines. Sabi ko, ‘May lalim itong si Bea’ and so I really get to know her better because of this soap and I respect her even more now and I said this earlier when we were being interviewed, Bea is a superstar, but she never made me feel like she’s one, like... ganyan.”