Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil -Oil Flying V Center)

10 n.u. -- La Salle vs St. Benilde (men’s)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

1 m.h. -- UP vs UST (men’s)

4 n.h. -- Arellano vs St. Benilde (women’s)

6:30 n.g. -- Ateneo vs JRU (women’s)

WALA man ang kanilang top hitter at setter, kumpiyansa ang Ateneo sa pagbubukas ng kanilang kampanya ngayon sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Fil Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Lady Eagles ang Jose Rizal University Lady Bombers ganap na 6:30 ng gabi sa tampok na laban kasunod ng tapatan ng Arellano Lady Chiefs at St. Benilde Lady Blazers ganap na 4:00 ng hapon.

Hindi alintana ng Lady Eagles ang pagkawala nina ace hitter Alyssa Valdez at setter Jia Morado at sa halip ay itinutuon ang kanilang pansin sa pagbuo nang team work.

Mauuna rito, magsisimula rin ang kompetisyon sa men's division sa pamamagitan ng dalawang laban kung saan magtutuos ang La Salle at St. Benilde ganap na 10:00 ng umaga at ang University of the Philippines at University of Santo Tomas sa ikalawang laro ganap na 1:00 ng hapon.

Ang top two teams kapwa sa men’s at women’s divisions matapos ang single round elims ay uusad sa crossover best-of-three semis kung saan ang mananalo ay maghaharap sa best-of-three finals.

Magpapatuloy ang aksiyon kinabukasan sa pagtutuos ng National University at Lyceum ganap na 4:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng TIP at San Beda ganap na 6:30 ng gabi.