Ni: Gilbert Espeña

AMINADO si Hall of Fame promoter Bob Arum na walang katiyakan kung magpapasiya si eight-division world titlist Manny Pacquiao kung haharapin si WBO welterweight champion Jeff Horn sa isang rematch sa Brisbane, Australia.

Ayon sa Top Rank big boss, masyadong abala si Pacquiao sa kanyang karerang pampolitika sa huling bahagi ng 2017 at gusto nitong lubos na makarekober sa kontrobersiyal na pagkatalo kay Horn na dapat na-disqualify sa maruming taktika.

“Manny is deciding if he wants a rematch this year or next year,” sabi ni Arum sa ESPN Deportes. “If he decides to postpone it, we will make a fight for Jeff in November against a good opponent in Brisbane…we’ll know in the next few days.”

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kinumpirma ni Pacquiao na wala pang katiyakan kung haharapin niya si Horn sa Nobyembre 12 lalo’t walang ginawa ang WBO sa Amerikanong referee na si Mark Nelson na hinihinalang kinutsaba ni Arum para tiyakin ang panalo ni Horn sa pamamagitan ng foul tactics nito.

Pumutok din na gusto ni Pacquiao na sa Pilipinas gawin ang rematch nila ni Horn na posibleng huling laban na niya bago magretiro sa professional boxing.