Ni: Bella Gamotea

Inaresto ng Makati City Police ang isang call center agent dahil sa pagkakasangkot sa aksidente, na ikinamatay ng kanyang biktima, sa Benguet.

Pansamantalang nakakulong ang suspek na kinilalang si Kristine Fernandez y Perez, 29, ng 7-A Valenzuela Street, San Juan City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), inaresto si Fernandez ng mga tauhan ng Warrant Section ng Makati City Police, sa pangunguna ni Sr. Insp. Ronald Saquilayan, sa pinapasukan nitong call center company sa Chino Rocess Avenue, dakong 7:45 ng gabi.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni 5th Municipal Circuit Trial Court, First Judicial Region Tuba-Sablan, Benguet, Acting Presiding Judge Modesto Bahul, Jr., para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, hindi pumalag sa mga umaaresto si Fernandez.

Aabot naman sa P100,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantala niyang paglaya.