Ni ADOR SALUTA

PINAG-USAPAN kamakailan sa social media ang kumalat na mga larawan ni Inigo Pascual na nagpapa-tattoo sa kaliwang bahagi ng kanyang balakang.

Inigo copy

Nagpahayag ng saloobin ang kanyang ama na si Piolo Pascual sa naging desisyon ng anak.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“May edad naman na ‘yung anak ko. Then kung ano man ‘yung maging desisyon niya, it’s better for me to support him than go against him with his desire,” pahayag ni Piolo nang makapanayam sa pictorial ng kanyang upcoming movie with Toni Gonzaga na may titulong Last Night.

Sey pa ni Piolo, si Direk Joyce Bernal ang nag-udyok sa kanyang anak para magpa-tattoo.

“Hindi ako ang may kasalanan nu’n. ‘Yung totoo niyang ina, ito (Joyce),” nagbibirong sabi ni Piolo.

“For me, at the end of the day, anak ko ‘yan. Kahit ano gawin niya mali man o maganda kailangan ando’n ako para ma-guide natin nang maayos,” sabi pa ni Piolo.

Masaya si Piolo na open sa kanya ang anak sa mga nagiging plano nito sa buhay nito.

“Mas mabuti na ‘yung nagrerebelde ‘yung tao nakikita mo at ‘yung pagrerebelde niya hindi masama. So whatever he does as long as I know hindi siya nakakasakit ng tao, hindi siya manggagamit ng tao, I’ll be there for him,” pagtatapos pa ng aktor.