ni Rey G. Panaligan

Isang special human rights committee ang pinakilos ng Supreme Court (SC) para pag-aralan nang kung sapat ang mga kasalukuyang legal remedies para matugunan ang mga iniulat na pagtaas ng insidente ng extrajudicial killings at mga paglabag sa karapatang pantao resulta ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Sa Town Hall discussion kasama ang media, mga abogado, law professors at mga estudyante ng University of San Carlos sa Cebu City nitong Huwebes, sinabi ni Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno na ang komite ay pinamumunuan ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang.

Partikular na inatasan si Tang na pag-aralan kung sapat ba ang mga Writ of Amparo, Habeas Corpus, at Habeas Data para matugunan ang isyu ng pamamaslang at mga paglabag sa karapatang pantao.

Beauty clinic, nag-sorry matapos gamitin pictures ng mga Thai influencer nang walang permiso

Sinabi ni Sereno na sa mga kaso ng extrajudicial killings, maaari lamang pumasok ang hudikatura kapag naihain na ang kaso sa korte at iilan lamang sa mga ito ang naisasampa sa korte.

Sinabi niya na ang imbestigasyon ng mga kaso ay nasa kamay ng Executive Branch.

“The executive implements the law and has the sole monopoly of the use of force. When force is used and results in death, legal questions come in and that are brought before the courts. But so far we have not had so many questions brought before us,” dugtong niya.