Hinimok ng Malacanang ang publiko na patuloy na suportahan ang mga pambato ng Pilipinas sa 29th Southeast Asian (SEA) Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Mga kababayan, patuloy po natin ibigay ang ating suporta sa mga manlalarong Pinoy. Puso para sa bayan!” saad ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Kasabay nito, pinapurihan ni Abella ang Gilas Pilipinas at Philippine taekwondo poomase team matapos makasungkit ng gintong medalya sa kanikanilang laro kahapon.

“Congratulations to all the Filipino athletes who won and brought honor to the country in yesterday’s events in the Southeast Asian Games in Kuala Lumpur,” ani Abella.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa ngayon,habang sinusulat ang balitang ito ay mayroon nang 18 gold, 25 silver at 47 bronze medals ang Pilipinas. - Beth Camia