Ni: Nitz Miralles

MASAYA si Lovi Poe dahil kumita ang comedy movie nila ni Vhong Navarro na Woke Up Like This mula sa Regal Films.

Nag-post siya ng thank you message sa moviegoers at positive feedback ng mga nakapanood na.

“(Five million) 5M on our first showing day? Thank you for the support and good reviews! Please watch #WokeUpLikeThisMovie.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

VHONG AT LOVI copy copy

Nagpasalamat din si Vhong sa mga nanood ng pelikula nila.

“Maraming salamat po sa lahat ng mga nakapanood na. Kung hindi mo pa napapanood sama mo ang iyong pamilya, barkada at ka-date! Sugod na sa sinehan.”

Kaya masayang aalis bukas, Monday, August 28 si Lovi, para dumalo sa wedding sa Paris nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Hindi siya napahiya kina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil kumita ang pelikula at maganda ang review sa kanyang acting.

Two and a half weeks na wala sa bansa si Lovi dahil mula sa pagdalo sa kasal nina Dr. Hayden at Dra. Vicki, didiretso siya sa bakasyon kasama ang rumoured boyfriend na si Chris Johnson. Sa Paris na sila magkikita at after the wedding, itutuloy ang European vacation.

Bago umalis, nag-taping muna si Lovi ng Mulawin vs Ravena, kaya mapapanood na uli si Magindara. Buntis siya sa anak nila ni Siklab (Dion Ignacio) at may malaking problema ang kanyang pagbubuntis dahil sa isisilang na bata.

Bawal mag-spoiler sa mangyayari sa magiging anak nina Siklab at Magindara, pero isa ang paglabas ng kanilang anak sa highlight ng Mulawin vs Ravena bago ito magtapos sa September 15. Pasabog ang paglabas ng bata at ang gagawin nito sa mga ravena at mulawin. ‘Wag kalimutang panoorin para makasama kayo sa mga excited na nag-aabang.