Ni JIMI ESCALA

AYAW na sanang magkomento ni Aiko Melendez tungkol sa lumabas na isyung nagkagulo sila ng kanyang dating boyfriend na Iranian nang di-sinasadya silang magkita sa isang bar sa BGC.

AIKO copy

Kuwento ni Aiko nang makausap namin sa dressing room niya bago siya nag-guest sa Tonight With Boy Abunda, iniiwasan niyang magkaroon ng gulo pero nang lumapit sa kanila ang dating boyfriend at nakita nitong kasayaw niya ang kanyang kaibigang si Ken Alfonso ay kung anu-ano raw ang mga parinig na sinabi nito sa kanya.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Maaaring may selos pa ring nararamdaman ang dating boyfriend kaya ganoon na lang ang mga sinasabi nito sa kanila ni Ken.

Pero umalma na si Aiko nang itulak si Ken ng ex-boyfriend niya.

“Sa totoo lang, minsan-minsan na nga lang akong lumabas dahil sa sobrang busy sa taping ng Wildflower at minsan ko lang siya nakita, eh, gano’n pa ang nangyari. Siyempre, kailangan ko rin naming ipagtanggol si Ken,” sabi ni Aiko.

“Hindi kasi maganda ang ginawa niya. Kumbaga, nakakabastos lang para sa kaibigan ko,” nailing na dugtong ni Akikay.

Pero mabuti na lang daw, nasa malapit lang nila ang mga bouncer kaya nakontrol agad ang gulo at agad siyang nailayo sa ex-boyfriend niya.

“Kaya nga ba ayoko munang may karelasyon. Mas magandang focus muna tayo sa trabaho ko. Ayoko ng gulo, dito muna tayo sa taping ng Wildflower. At least trabaho muna ang ayusin natin at alam n’yo namang ang ganda-ganda ng role ko at super extend kami ngayon,” banggit pa ng mahusay at premyadong aktres.

Ibang klase raw ang nabuo nilang bonding at barkadahan sa taping ng Wildflower, mula sa directors, staff at hanggang sa kanilang mga artista.