Ni LITO T. MAÑAGO

KUMPLETO na ang major cast at nag-shooting na ang Almost Is Not Enough ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso na isa sa apat na naunang inihayag ng execom ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na kasama sa festival sa December.

JENNYLYN AT DEREK copy

Pagkaraan ng tatlong taon, balik-tambalan sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado para sa 43rd edition ng MMFF.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Huling napanood sa big screen ang tambalang Jennylyn at Derek sa English Only, Please noong 2014 na certified box-office hit sa local filmfest at nagbigay ng karangalan sa dalawa bilang Best Festival Actress at Best Festival Actor, respectively.

Nasa cast din ng Almost Is Not Enough sina Solenn Heussaff, Kean Cipriano, Enzo Marcos (known for Saving Sally at 5 and Up) at Lyn Cruz (misis ni Tirso Cruz, III).

Tulad ng alam na ng nakararami, hindi na si Jericho Rosales ang leading man ni Jennylyn dahil sa conflict ng schedule. Nakatakdang mag-shooting ang aktor sa Amerika kasabay ng shooting din ng Almost Is Not Enough.

Sa presscon ng Amo (airs every Sunday sa TV5) ni Direk Brillante Mendoza, pahapyaw nang naikuwento ni Derek na siya ang napili at kinuha ng Quantum Films to replace Jericho bilang leading man, but he did not elaborate kung bakit napalitan ang Kapamilya actor.

Ang Forever Is Not Enough ay pangatlong movie na nina Jennlyn at Direk Dan Villegas. Nauna nang nagkatrabaho ang dalawa sa English Only, Please (2014) na nasundan ng Walang Forever (2015).