KUALA LUMPUR -- Bituing walang ningning ang kinalabasan ng Perlas Pilipinas.

Bumigay ang depensa ng Filipinas sa krusyal na sandali para maitakas ng Malaysian ang 60-56 panalo nitong Huwebes at sibakin sa gold medal match ng 29th Southeast Asian Games women’s basketball tournament sa MABA Stadium.

Naghabol ang Perlas sa mahigit 16 puntos para makatabla sa 54-all, subalit nakalusot ang Malaysian sa krusyal na opensa sa endgame para maitakas ang panalo sa dikitang duwelo.

Matapos maitakas ang 67-65 panalo kontra sa matikas na Thailand Miyerkules ng gabi, bagsak ang Perlas sa gold medal round tangan ang 3-2 karta.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Naiwan ang Perlas sa 43-27 sa third quarter, ngunit kumawala ang Filipinas sa 13-2 run tampok ang jumper ni Ara Abaca para maitabla ang iskor sa 54 may 2:38 ang nalalabi sa laro.

Ngunit, nakalusot ang Malaysian sa malalintang depensa ng Perlas para makuha ang bentahe.

Nanguna si Allana Lim, bayani sa panalo ng Perlas laban sa Thailand, sa naiskor na 17 puntos at anim na rebounds, habang kumana si Amby Almazan ng 11 puntos.

Iskor:

Malaysia (60) - Chong 12, Yap 10, Pang 9, Low 8, Rajintiran 8, Ting 8, Saw 4, Yaakob 1.

Philippines (56) - Lim 17, Almazan 11, Bernardino 7, Cabinbin 7, Abaca 7, Dy 6, Resultay 1, Sambile 0, Animam 0, Castro 0, Pontejos 0, Tongco 0.

Quarterscores: 13-12, 34-23, 47-38, 60-56.