NI: Nitz Miralles

SINO kaya ang pinatutungkulang “mga kaibigan” ni Kim Domingo na mabait lang sa kanya ‘pag kaharap siya pero sinisiraan na siya ‘pag nakatalikod.

May hugot ang sexy star para sa mga kaibigan niyang ito.

KIM copy copy

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

“‘Yung mga taong nagsalita o may ginawa na hindi maganda sa ‘kin, sa harap ko man o likod. ‘Yung mga taong naaalala ka lang kapag may kailangan sila sa ‘yo. ‘Yung mga taong manggagamit. ‘Yung mga taong akala mo magiging tunay mong kaibigan. ‘Yan ang mga klase ng tao na iniiwasan ko. Walang dahilan para makipagplastikan ako sa kanila.

“Sa totoo lang, hindi naman ako mahirap maging kaibigan, pinipili ko lang talaga kung sino ang totoo at loyal sakin kahit ano pang mangyari sa buhay ko. Madami ng nagdaan pero nawala din. At may iilan na nananatili pa ding totoong kaibigan ko, sila ang mga taong lubos kong pinasasalamatan dahil bibihira sa mundong ito ang makahanap ng tunay na kaibigan. Para sakin, di bale ng kaunti ang kaibigan ko basta totoo.”

Samantala, malapit nang mapanood uli sa primetime si Kim dahil kasama siya sa cast ng Super Ma’am ni Marian Rivera. Maganda ang kanyang role bilang sister ni Marian pero sa simula ng story, hindi sila close.

Very thankful si Kim nang malamang si Marian pa mismo ang pumili sa kanya para gumanap na kapatid nito sa Super Ma’am.

Sabi ni Kim tungkol kay Marian: “With my Queen na SUPERRR! Down to earth at kulit. Mas lalo tuloy kitang minamahal.

#GandaNaBaitPa. I love you at Maraming Salamat sa pagkakataon na makasama ka @marianrivera.”