SINO ang hihirangin kampiyon ng 1st BNTV Cup?

Ang pinanabikan na 3-stag grandfinals ng makasaysayan BNTV Cup 7-Stag Derby ay papagitna ngayon araw sa Smart Araneta Coliseum simula ika-11 ng umaga.

Itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, sa pangunguna nina Joey Sy at Eddie Boy Ochoa, ang 71 kalahok ang magtatagisan sa 107 sultada.

Ang malaki ang pag-asang magkampiyon na mga wala pang gurlis sa perpektong iskor na tig-4 na panalo sa 4 na laban ay sina Roniel Bautista, Arthir Caguiat, Luis Santiago, Cesar Ancayan, Jerry & Yong, Christian Bernardo, Darwin Baui, Tato Dimayuga, Hermie Pagtalunan, Franco Amugauan IV, AB/Garjhune Melo, Gil Tenorio/Boy Gamilla, Abet Ramas/Jojo, John Kerwin Espiritu, Andy Adrian, Boy Gamilla, Mario Fernando, Macoy Flores/Herbert Bayogos, Ronnie Andrade, Jr. ; Renato Rey/Jun Abog Callanta, Ronald Sanchez, Ronnie Lacsina, Doc Dennis Sarmiento, Napoleon Jr. Pacis/SBM Rommel Reyes, Ramir Brigino, Eric Albino, Vladimir Castillo, Ramon M. Saldonido, Roel Romano; Joe Gonzales/Joecris Gonzales/Abet Melad/Gariel; Alex Aguanza at Kent Dimayuga.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

May tigatlong panalo at isang tabla, subalit malaki pa rin ang tsansa na magkampiyon sina Arturo Gutierrez, Arturo Miraflor, Deyrold Mia, Danilo Manalo, Patrick Jacobo, Jeff Gabieta, Bonie Castro/Dan Juanatas, Ted Partosan, Cong. JB Bernos, Peter Chua & Jerry Sebastian, Ronnie Lacsina, GTR/Bryan Quicho and Edwin Gutierrez.

Kaugnay nito, inanunsiyo na rin ang pagdaraos ng 2018 BNTV Cup kung saan inabisuhan na ang mga tinatawag na BNTV Cuppers na magsalang na ng kanilang mga palahi ngayon buwan ng Agosto upang sa una at ikalawang linggo ng Setyembre ay makapangitlog na ang mga inahen at makapagpasisiw mula ikalawang linggo ng Oktubre hanggang Nobyembre. Ang wingbanding naman ay sa Enero 3-17, 2018.