Ni REGGEE BONOAN

“SABI ni Rayver (Cruz), walang iwanan kaya at naniniwala akong tutuparin niya’yun, kaya saan galing ang balita?”

Ito ang sagot ng manager ni Rayver na si Albert Chua nang tanungin namin kung naghiwalay na sila ng alaga niya.

May nagtanong kasi sa amin kung lilipat na si Rayver sa GMA-7 at si Direk Maryo J. de Los Reyes na raw ang manager nito, kaya tinanong namin si Albert.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

RAYVER copy copy

Kuwento ng manager ni Rayver, ang aktor pa raw ang nagpadala sa kanya ng link ng write-up.

“Hindi ko alam ‘yan, wala namang nababanggit si Rayver sa akin na lilipat siya ng management, maayos kaming nag-uusap at saka si Rayver mismo ang nagsabing walang iwanan kaming dalawa,” paliwanag ni Albert.

Walang usok kung walang apoy, wika nga. Hindi masusulat ang balita kung walang pinanggagalingan o bahid ng katotohanan. Hindi kaya pinalilipat na ni Janine Gutierrez si Rayver sa Kapuso Network?

“Wala naman, wala akong alam at wala ring nasasabi si Rayver. I don’t think gagawin iyon ni Janine at saka ‘pag magkasama sila, hindi sila nag-uusap ng tungkol sa work,” mabilis na sagot ni Albert.

Wala naman daw problema kay Rayver at sa katunayan ay nagpapasalamat ang aktor dahil kahit wala itong regular show bukod sa twice-a-month appearance sa ASAP ay hindi ito nawawalan ng raket dahil isinasama siya ng nasabing programa sa mga TFC shows.

Naisasama na rin si Rayver sa mga show ni Vice Ganda at kamakailan lang ay kagagaling nila ng Laoag City, Ilocos Norte.

Anyway, bakit walang soap drama si Ravyer?