Nakikiusap sa Kamara sina Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Catalino Cuy at Philippine National Police chief Director Gen. Ronald dela Rosa para ipagkaloob ang hinihingi nilang 2018 budget na nagkakahalaga ng P170.733 bilyon.

Itinuloy ni House committee on appropriations chairman Rep. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City) ang pagdinig nitong Huwebes sa panukalang budget ng DILG kahit wala sina Cuy at dela Rosa, ngunit tinutulan naman ni Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo ang pagpapatuloy sa pagdinig dahil wala ang dalawang opisyal.

Gayunman, binawi ni Dimaporo ang kanyang mosyon matapos tiyakin sa kanya ni Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na makakausap din nila ang mga opisyal ng DILG at PNP upang sagutin ang kanyang mga katanungan. - Bert de Guzman
Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'