Ni MERCY LEJARDE

WOW, level-up na ang showbiz career nina Kikay-Mikay, in pernes, ha! Pasok kasi sa International Film Festival Manhattan sa New York ang kanilang first movie titled Sekreto Sa Dilim na gaganapin sa darating na October 19 to 23.

Kasama nina Kikay-Mikay si Ralph Maverick Roxas na siyang bidang lalaki sa nasabing movie. Anak si Ralph ng producer na si Ramon Roxas of RM8 Films Productions. Co-stars din nila sina Lovely Rivero, Carlo Cepeda, Akihiro Blanco, at Dianne Medina.

KIKAY AT MIKAY
KIKAY AT MIKAY
Abangan din ang paglabas ng dalawang bagets na itey sa Little Big Shots ng ABS-CBN hosted by Billy Crawford every Saturdays and Sundays.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

And take note, this week ay meron din silang mall show sa ilang piling branch ng Robinsons malls. O, di ba, level-up na ang Kikay-Mikay?

Wish nga lang nang dalawang bagets ay makasama sila sa international filmfest sa New York. Well, harinawa matupad ang wish nila.

Very proud din sina Kikay-Mikay nang makasama nila sa production number ang isa sa twins ni Joel Cruz na si Princess sa kakatapos na Awit Sa Marawi Concert For A Cause held at AFT theater last Sunday. Nakagaanang loob agad nila ang little princess ng Lord of Scents na hindi raw feeling rich and famous ‘coz nagpapaturo pa nga sa kanila ng dance moves.

Alam daw ni Princess na sila ang tinaguriang Little K Pop Girls sa showbiz at type rin daw nitong maging K Pop Girl.

Sey mo, Aficionado Lord of Scents Joel Cruz? Gawan mo na rin ng pelikula si Little Princess mo with matching Kikay-Mikay and Token Lizares on the side. ‘Yun na! Insert smiley, u!