Ni NITZ MIRALLES

KINUMPIRMA ni Kevin Kwan sa interview sa kanya ni Karen Davila sa ANC Headstart na kasama si Kris Aquino sa cast ng movie adaptation ng kanyang nobelang Crazy Rich Asians.

KRIS copy copy

Post ni Kris sa Instagram (IG): “Thank you @kevinkwanbooks for CONFIRMING my role in #CRAZYRICH ASIANS! THANK YOU for the kind words you had to say ‘I have a soft spot for her... She is Kris Aquino, what else is there to say?’ ...Most of all THANK YOU for loving the Philippines and Filipinos. The feeling is definitely reciprocal.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang hinihintay ngayon ay kung kailan ipapaalam ni Kris ang role niya sa Hollywood movie na kinunan ang mga eksena niya sa Singapore. Pero may mga nasusulat na ang role ni Kris ay Sultana of Brunei na nagregalo ng diamond ring sa engagement party ng karakter ni Kitty Pong.

Samantala, tinupad ni Kris ang ipinangako kay Lolit Solis na bibigyan niya ito ng balato. Ipinost ni Lolit sa Instagram ang US$500 na bigay ni Kris at dagdag na baon niya pagpunta ng Paris para dumalo sa kasal nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa September.

Anyway, nag-comment si Kris sa ipinarating sa kanyang interview kay James Yap sa opening ng District 8 Gastro Pub sa G Strip sa Greenhills. Isa si James sa mga may-ari ng nasabing bar. Sabi kasi ni James, eight months na niyang hindi nakikita si Bimby at hindi na raw niya ipinipilit ang kanyang sarili sa anak dahil nararamdaman niyang ayaw ng anak sa kanya.

“You know it takes 2 to tango. And effort must come from the parent not the child. I suggest ‘wag ka nang makialam & manahimik na lang si James because the TRUTH is on our side. Utang na loob in promoting a ‘bar’ must a 10 year old be talked about?”