NAGSALITA na si Dylan Sprouse tungkol sa mga alegasyong ipinupukol sa kanya na umano’y kinaliwa niya ang kanyang longtime model girlfriend na si Dayna Frazer.

Noong nakaraang linggo, nag-post si Dayna ng kanyang crying selfie sa kanyang Instagram Stories, at inilagay sa caption ang, “When you find out your bf cheated on you lol.” Binura na ng dating magkasintahan — na nagsimulang magdate noong 2014 – ang kanilang mga litrato sa kanilang Instagram accounts. Nagsalita naman si Dylan, 25, sa paratang ng pangangaliwa sa pamamagitan ng Twitter nitong Miyerkules.

Dylan Sprouse
Dylan Sprouse
“I will say this and only this: by adhering to an assumption based on limited information, you neglect the complicated nature of this issue,” saad ng Suite Life of Zack and Cody star. “The truth always has two sides, and those sides have motivations, and those motivations, despite how cloudy they currently seem, are private.”

“This is complicated and it will remain complicated, but those who know me and who have known me, know well enough what kind of person I am. And that is all.”

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Nakipag-ugnayan na sa mga kinatawan ang ET para sa kanilang komento.

Una rito, inihayag ni Dylan ang kanyang pagbabalik sa acting matapos ang anim na taong pananahimik. May bagong role ang dating Disney Channel star sa indie film na Carte Blanche, at nagbigay ng reaksiyon ang kanyang twin brother -- ang Riverdale star na si Cole Sprouse.

“Hey can you return my f**king t-shirts too?” tweet nito kasabay ng pagbabahagi ng balita.

Nakipag-usap ang ET sa costar ni Cole sa Riverdale  na si Skeet Ulrich – ang gumaganap na tatay sa CW hit – noong nakaraang linggo, at binanggit nito ang “great chemistry” nina Cole at aktres na si Lili Reinhart. Usap-usapan na ang kanilang on-screen romance ay totoo rin sa likod ng kamera. - Entertainment Tonight