Ni: Cover Media

MATIBAY pa rin ang pagkakaibigan nina Kate Winslet at Leonardo DiCaprio, na nakunang magkasama habang nagbabakasyon sa South of France.

Kate at Leo copy

Ang dating onscreen couple, na nagkaroon ng legion of fans nang gumanap bilang Jack at Rose sa pelikulang Titanic, ay nag-reunion sa Saint Tropez bago ginanap ang gala para sa Leonardo DiCaprio Foundation (LDF) nitong Hulyo. At sa kalalabas lamang na litrato na nakuha ng TMZ, makikita ang Oscar-winning actors na magkasabay na naglalakad at nakasuot ng swimwear. Iniulat ng gossip website na ang mga litrato ay kuha sa Saint-Tropez villa ng bida ng The Revenant .

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Makikita si Kate na nakasuot ng neon orange bikini na pinatungan ng loose white shirt at si Leonardo naman ay nakasuot ng navy blue patterned swim shorts. Sa isa pang litrato, magkayakap ang magkaibigan habang nagpapakuha ng litrato.

Tiyak na ikatutuwa ng fans ang mga litrato ng dalawang magkaibigan na masugid nilang sinubaybayan simula nang lumabas sa 1997 film na sumira sa box office records. Nanatili silang malapit at iniulat na si Leonardo pa ang naghatid kay Kate sa altar sa kasal nito noong 2012 sa ikatlong asawang si Ned Rocknroll.

Sa charity gala, na ginanap sa Domaine Bertaud Belieu Vineyard sa Saint-Tropez upang lumikom ng pondo para sa environmental foundation ng aktor, muling nakasama nina Kate 42, at Leonardo, 41, ang isa pang Titanic co-star na si Billy Zane.

Ang tatlo, nagbida sa real-life tale ng lumubog na “unsinkable” Titanic ocean liner nang bumangga sa iceberg, ay magkasamang nagpakuha ng litrato sa okasyon, at ipinaskil ni Billy ang kuha sa Instagram, na may caption na: “Gangs back together. Now we’re saving icebergs. Go figure...”

Ang gala ni Leonardo, dinaluhan ng celebrities kabilang sina Cate Blanchett, Marion Cotillard, Penelope Cruz, at Tom Hanks ay lumikom ng mahigit $30 milyon, para pondohan ang charitable programmes ng LDF.