NI: Jun Fabon

Agad pinaimbestigahan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang motibo sa pagpatay sa dalawang katao at ikinasugat ng isa pa sa magkahiwalay na barangay ng lungsod, iniulat kahapon.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Cristituto Zaldarriaga, desk officer ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang pamamaril sa Lot 20, Block 17 Sta. Cruz Street, Republic Avenue, Barangay Holy Spirit, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay Rochelle Reyes, residente, nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang puntahan ay tumambad sa kanya ang bangkay ni Jason Loaya, 37, na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una rito sa Bgy. Payatas, pinagbabaril hanggang sa mamatay ang dati umanong drug user na si Jessel Duay, 29, habang sugatan naman ang kanyang kinakasama na si Mark James Medinella, 31, ng Area A, Talanay, Batasan Hills, dakong 7:30 ng gabi.