Ni: Liezle Basa Iñigo

SAN NICOLAS, Pangasinan – Kinasuhan ng illegal possession of firearms and ammunitions ang dating bise alkalde sa San Nicolas, Pangasinan, matapos makuhanan ng mga baril at mga bala sa kanyang bahay.

Kinilala ni Senior Insp. Arnold Soriano, hepe ng San Nicolas Police, ang akusado na si Luis Ditol, ng Barangay Poblacion East.

Dakong 6:00 ng umaga nitong Martes nang arestuhin si Ditol matapos na magpositibo sa isinilbing search warrant.

Probinsya

Dalaga sa Iligan City, nawawala; ‘manipulative boyfriend,’ pinaratangang sangkot

Nakumpiska mula sa akusado ang isang .45 caliber Colt pistol, dalawang magazine, 24 na bala ng .45 caliber, at 12 bala ng .9mm caliber pistol.