Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Isang lalaking kilala sa alyas na “Batman” ang naaresto sa operasyon ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Tarlac City Police sa buy-bust operation sa Block 2, Barangay San Roque, Tarlac City, nitong Lunes ng hapon.

Napag-alaman na hindi nagpabaya si Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan sa operasyon at nakuhang matiklo si Teddy Marolos, 53, alyas “Batman”, ng Sitio Matapa, Bgy. San Pablo.

Nakuha umano mula kay Marolos ang isang plastic sachet na may 0.112 gramo ng hinihinalang shabu, kapalit ng P500 marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nang isailalim sa masusing imbestigasyon ay muli umanong nakarekober ang mga awtoridad ng isa pang plastic sachet mula kay Marolos, at sa kabuuan ay aabot sa 0.201 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa suspek.