NI: People

NAGSALITA na sa unang pagkakaton si Anna Faris tungkol sa hiwalayan nila Chris Pratt sa kanyang Unqualified podcast.

Nagpahayag ang aktres, 40, ng madamdaming mensahe sa simula ng kanyang latest episode at pinasalamatan ang kanyang listeners sa suportang natatanggap niya simula noong nakaraang linggo nang maghiwalay sila ng dating asawa.

Anna at Chris copy

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Hey dear listeners, I just want to thank you all so much for all the love I’ve been receiving, and I truly love you,” lahad ni Faris sa umpisa ng pre-recorded episode.

Madalas na nagbabahagi ng tungkol sa kanyang personal na buhay si Farris sa kanyang podcast at minsan niyang tinalakay ang kanilang long-distance, upside relationship ni Pratt noong Mayo.

“My long-distance relationship with Chris, I wouldn’t describe it as that, but we do spend a lot of time apart,” saad ni Faris. “But the advantage of that is it makes you so appreciate the time you have together, and you really, really value that. … And you don’t want to waste it fighting, and you know, like, all the minute. It’s a high price to pay, you know, but it is a benefit. A silver lining.”

Sinabi rin ni Faris ang tungkol sa “loneliness” ng paglabas niya bilang public character sa last episode bago sila naghiwalay.

“I play a character on MOM, I play a character in movies, but I also play a public character,” aniya. “There’s definitely a loneliness and, like, an internal element to being a performer. I feel like I have to laugh.”

Inihayag nina Faris at Pratt ang kanilang paghihiwalay sa kani-kaniyang social media account, matapos ang walong taong pagsasama.

Hiniling ng dating mag-asawa na gawing pribado ang joint statement para sa kanilang anak na si Jack, na maglilimang taong gulang sa susunod na linggo.

Naganap ang unang public appearance ni Pratt, Linggo ng gabi, sa Teen Choice Awards, una rito ay namataan din ang aktor nang araw ding iyon, na inihatid si Jack sa simbahan.