ni Mary Ann Santiago

May 520 malnourished pre-school children sa limang lalawigan ng MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang target ng Department of Health (DOH) na maging beneficiary ng kanilang “Eat to Nourish Approach” feeding package, sa ilalim ng “Oplan Kain Sigla Program.”

Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, director ng DOH-MIMAROPA, sa ilalim ng programa, bawat mapipiling pre-schooler, na nagkaka-edad ng mula anim hanggang 71 buwan, at may timbang at taas na mas mababa kumpara sa kanilang edad, ay mabibigyan ng full meal na nagkakahalaga ng P80 kada araw.

Tatagal ang feeding program ng 90-araw, maliban tuwing Sabado at Linggo.
Pelikula

PANOORIN: Official teaser ng 'Isang Himala,' inilabas na!