Ni: PNA
KINUMPIRMA ng international report, na isinapubliko ng gobyerno ng Amerika nitong Huwebes na hinigitan ng taong 2016 ang 2015 bilang pinakamainit na taon sa buong mundo sa nakalipas na 137 taon ng pagtatala nito.
“Most indicators of climate change (in 2016) continued to follow trends of a warming world,” saad sa pahayag ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA).
“Several, including land and ocean temperatures, sea level and greenhouse gas concentrations in the atmosphere broke records set just one year prior,” dagdag nito.
Ang State of the Climate report, na nagsasagawa ng taunang pagsusuri sa planeta at itinatala ng mga mananaliksik ng NOAA, ay mayroong kontribusyon mula sa higit 450 siyentista sa 60 bansa.
Ang init sa buong mundo, na nasa ikatlong taon na nang pagtatala ng record, ay naiulat ng US NOAA at ng iba pang climate agencies sa buong mundo sa pagsisimula ng taon.
Natuklasan na ang greenhouse gases ang may pinakamataas sa record sa nasabing report.
Ayon dito, kabilang sa nasabing pagtaas ng greenhouse gas concentrations ay ang carbon dioxide (CO2), methane at nitrous oxide.
Tumaas ng 3.5 parts per million (ppm) kumpara sa taong 2015 ang record ng 2016 average global CO2 concentration na 402.9 ppm, na sinasabing pinakamalaking pagtaas sa nakalipas na 58 record.
Isa rin sa pinakamalalaking nabago sa record ay ang global surface temperature.
“Aided in part by the strong El Niño early in the year, the 2016 combined global land and ocean surface temperature was record-high for a third consecutive year,” saad sa report.
“The increase in temperature ranged from 0.81-1.01 degrees Fahrenheit (0.45-0.56 degrees Celsius) above the 1981-2010 average.”
Kaugnay nito, tumaas din ang global average sea level noong 2016 ng 3.25 inches (82mm) kumpara sa dating pinakamataas na record noong 1993, ang taong sinimulang itala ang sea level.