Ni: Marivic Awitan

PINATATAG ng defending champion San Beda College ang kampanya sa hangaring back-to-back title nang pabagsakin ang Mapua University, 66-55, kahapon sa NCAA Season 93 seniors basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala ng double- double – 11 puntos at 10 rebounds -- si Donald Tankoua, habang nagdagdag 10 puntos at anim na rebound si Javee Mocon upang pamunuan ang Red Lions sa ikaanim na panalo sa pitong laro.

San Beda's Ben Adamos tries to get the ball from Mapua's Laurenz VIctoria during the NCAA match at Filoil Flying V Arena in San Juan, August 11, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
San Beda's Ben Adamos tries to get the ball from Mapua's Laurenz VIctoria during the NCAA match at Filoil Flying V Arena in San Juan, August 11, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Mula sa 23-6 na bentahe sa pagtatapos ng first canto, hindi na muling lumingon pa ang San Beda.

Naging malaking kawalan sa Cardinals ang pagka-injured ng key player na si Andoy Estrella na umano’y na-diagnosed na may MCL (medial collateral ligament) injury na natamo nito sa ensayo.

Nawalan ng saysay ang career high 20 puntos at 18 rebounds ni Christian Bunag dahil hindi nito nagawang isalba ang Cardinals sa pagkahulog sa markang 1-6.

Sa juniors game, naungusan ng San Sebastian Staglets, sa pangunguna ni Damie Cuntapay na may 22 puntos at 16 rebounds, ang Saint Benilde-La Salle Greenhills, 73-71.

Naisalpak ni Romel Calahat ang game-winning shot para sa kabuuang 12 puntos at 19 rebounds para sa ikalawang panalo sa anim na laro.

Nadungisan ng San Beda Red Cubs ang dating malinis na marka ng Mapua Red Robbins, 87-81.

Iskor:

(Seniors)

San Beda (66) – Tankoua 11, Mocon 10, Potts 8, Bolick 6, Soberano 6, Cabanag 5, Carino 4, Bahio 4, Doliguez 3, Adamos 3, Tongco 2, Presbitero 2, Oftana 2, Abuda 0

Mapua (55) – Bunag 20, Orquina 11, Magboo 10, Nieles 6, Victoria 4, Aguirre 2, Gabo 2, Jimenez 0, Raflores 0

Quarterscores: 23-6; 31-20; 51-32; 66-55.

(Juniors)

SSC-R (73) - Cuntapay 22, Calahat 12, Pasamante 9, Pelias 8, Sumoda 7, Magbanua 6, Villapando 5, Rodriguez 2, Are 2, Aguilar 0, Timbancaya 0, Suico 0.

LSGH (71) - Fornilos 13, Cagulangan 10, Marcos 9, Sangco 9, Perez 9, Bordeos 6, Mosqueda 5, Lao 3, David 3, Morales 2, Lepalam 2, Pedrosa 0, Cruz 0, Belgica 0, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 17-15; 40-37; 54-51; 73-71.

San Beda (87) - Nelle 27, Alfaro 15, Obenza 12, Tagala 10, Garcia 8, Sese 5, Abu Hijle 4, Etrata 2, Mahinay 2, Nayve 2, Velasquez 0, Barbero 0.

Mapua-Malayan (81) - Escamis 19, Gozum 19, Sapinit 18, Bonifacio 7, Socias 7, Jabel 6, Lacap 3, Enriquez 2, Garcia 0, Sarias 0, Ramos 0.

Quarterscores: 17-11; 34-30; 60-50; 87-81.